Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albert Martinez, Faith Da Silva
Albert Martinez, Faith Da Silva

Albert at Faith may relasyon nga ba?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang ginaganap ang virtual mediacon para sa pelikulang The Housemaid na pinagbibidahan ni Kylie Verzosa kasama sina Jacklyn Jose, Louise delos Reyes, at Albert Martinez na idinirehe ni Roman Perez, Jr. produced ng Viva Films.

Sayang at bawal magtanong ng personal question sa cast ng pelikula lalo kay Albert na mainit ang usaping in love ngayon sa co-actor niyang si Faith Da Silva sa isang teleserye sa GMA 7.

Gusto kasi sana naming hingan ng reaksiyon ang aktor kung ano ang real score nila ng GMA star na komento ng iba ay para na niyang anak dahil edad 61 na si Albert at 20 naman si Faith. Age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig lalo’t nagkakasundo naman sa lahat ng bagay.

Anyway, may follower si Faith na nagtanong sa kanya sa IG“Mag-jowa ba kayo ni Albert Martinez?”

Hindi sinagot ng dalaga ang tanong na tama lang dahil dapat magmula iyon kay Albert bilang siya ang lalaki. Baka kasi sagutin ito ni Faith, eh, sabihing ilusyonada siya kapag itinanggi siya ng aktor.

Baka si Faith na ang babaeng hinihintay ni Albert dahil simula ng mawala ang asawa niyang si Liezl Sumilang noong 2015 ay wala kaming nabalitaang na-link sa aktor o naging karelasyon niya.

Anyway, mapapanood ang The Housemaid sa Setyembre 10 sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …