MA at PA
ni Rommel Placente
MAY alitan ngayon ang mag-best friend na sina John Estrada at Derek Ramsay na may kinalalaman kay Ellen Adarna. At mukhang malalim ang alitan nilang ‘yun dahil nagpahayag si Derek na tinatapos niya na ang pagkakaibigan nila ni John. At hindi na talaga maibabalik pa ‘yung dati nilang samahan.
Pero naniniwala ang misis ni John na si Priscilla Meirelles na maaayos pa rin ang gusot nina John at Derek.
Sa mensahe kasing ipinadala niya sa Pep.ph, sabi niya, “I believe John and Derek have a genuine friendship. They will sort things out eventually. And they are better men than what is going around them.”
Well, sana nga ay magkaayos pa rin sina John at Derek at maging mabuti uli silang magkaibigan. Sayang naman kasi ang friendship nila na tumagal na ng 7 years kung mawawala na lang talaga ito.
Sana nga ay dumating ang time na mahimasmasan si Derek at mapatawad niya si John kung sa tingin niya ay may nagawa itong mali sa kanya at kay Ellen.
Pero ang maganda naman kay John, kahit nagsasalita ng against sa kanya si Derek, hindi naman niya ito nireresbakan. Nananatiling tikom ang bibig ni John.
Siguro, dahil ayaw niyang lumaki pa ang hindi nila pagkakaunwaan ni Derek kung sasagutin niya ang mga naging pahayag nito tungkol sa kanya.