Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Alice Dixson Andea Torres Bianca Umali
Dennis Trillo Alice Dixson Andea Torres Bianca Umali

Bianca payag maging isa sa legal wife ng Muslim

Rated R
ni Rommel Gonzales

HINDI nagkaroon ng misconception si Bianca Umali bago at habangginagawa ang Legal Wives.

Aniya, “Honestly, sa buong buhay ko never naman po ako nagkaroon ng misconception about Islam, their culture or any other religion, but…I knew that it was something that was always sensitive and very controversial, kaya noong natahak ko po itong journey ko bilang si Farrah sa ‘Legal Wives,’ wala man pong na-correct na misconception sa akin pero mas na-amaze po ako sa dami ng natutuhan ko.”

Sa Legal Wives ay tatlo silang asawa ni Dennis Trillo (bilang Ismael Makadatu). Siya, si Andea Torres bilang Diane San Luis, at si Alice Dixson bilang si Amirah Alonte. 

At nang matanong si Bianca kung papayag ba siya na mangyari sa kanya na maging isa sa mga legal na asawa ng isang Muslim sa tunay na buhay, ito ang sagot niya, “Siguro kung…nakadepende ‘yan sa kung gaano ko kamahal ‘yung tao, and hindi po ako nagsasalita ng tapos and kung in the future ay hindi po natin alam na magmamahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far.

“And depende rin po sa set-up, depende po…hindi ko po masabi, pero I know that it will be hard pero I think na if my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit hindi.”

May mga eksenang komprontahan sa tatlong legal wives sa kanilang serye, naranasan na ba ni Bianca sa tunay na buhay na may kinompronta siya? O siya ang kinompronta?

“Wala pa naman po, walang intent…never pa naman akong nagkaroon ng intention na sadyain kong mang-confront. I think I wouldn’t be rin naman that person who would intentionally do that and attack someone.

“Ayun nga, kung puwede namang pag-usapan and kung hindi rin naman…depende po sa situation also, pero kung pwedeng daanin sa usap ng maayos, ayun, I would go for that as well.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …