Tuesday , November 5 2024
Kun Maupay Man It Panahon
Kun Maupay Man It Panahon

15 filmmakers lumipad para sa Locarno Film Fest

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LABINLIMANG Filipino filmmakers ang lumipad pa-Switzerland para sa pagbubukas ng Piazza Grande sa Locarno para kumatawan sa Locarno Film Festival na magaganap simula kahapon 4 hanggang  Agosto 14. 

Ipinakilala ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño ang Locarno delegates sa send-off press conference na inihanda nito noong Hulyo 29.

“For the past three years, the Locarno Film Festival created a focus section, a special spotlight on Southeast Asian countries and one of the Southeast Asian countries featured in this focus is the Philippines. We’ve been working with the Locarno Film Festival for the last three years to make sure that our Filipino filmmakers will create a presence, will be visible in the many events and activities within Locarno, and the films that are featured in the festival will also be showcased,” ani Diño.

Dumalo sa conference si direk Carlo Francisco Manatad ng Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine), na nagbahagi ng  inaasahan sa kanilang paglahok sa Locarno. ”More than the selection itself, it’s actually getting to know the people, ‘yung mismong culture from films that you’ve watched. I think right now, kung ano ‘yung mapapanood ko, kung sino ‘yung mga makikilala ko roon, every time naman learning experience, excited ako and sobrang thankful ako for Locarno for giving me this platform again to show my feature,” anito.

Ibinahagi naman ni Rans Rifol ang kanyang excitement, ”Super happy and excited ako since it’s really my first time. This is my debut film talaga, ito ‘yung pinakamalaking role na nakuha ko sa buong buhay ko and to be part of this prestigious event, sobrang kinakabahan, pero sobrang excited ako.”  

Kompiyansa naman ang head ng Locarno Open Doors na si Ms Sophie Bourbon sa Philippine delegation. Aniya, ”I think if the Philippines is so strongly represented in the context of our festival this year, this is not just by chance. It does reflect the amazing work and the diversity of cinema that you have been developing for years now and we’re really honored to be able to give you additional windows and platforms to present either your projects or your films in different stages, either you’re a director or a producer.” 

Kasama rin sa Locarno sina direk Alyx Ayn Arumpac ng Aswang Pat Sumagui at Armi Rae Cacanindin ng Kun Maupay Man It PanahonCris Bringas ng Next PicturePamela Reyes ng SamStelle Laguda ng RA 8491 o  How We Recall Memories of TransitPatti Lapus  ng GoliathMicah Tadena  ng Inherit, at Rafael Manuel ng Filipiñana.

Idaraos ang PH filmmakers luncheon sa Agosto 10 ng Philippine Embassy sa Switzerland para sa mga Philippine delegates. Samantalang ang ahensya naman ay magdaraos ng Philippine Cinema Night.

Sa Linggo, August 8 nakatakda ang screening ng Teatro Kursaal (Press screening); August 9 ang PalaCinema Sala 1 (with Q&A); August 10 ang La Sala; at sa August 11 ang PalaCinema Sala 2 and PalaCinema Leopard Club.

Ang Open Doors Screenings naman ay gaganapin mula Agosto 6 hanggang 10 kasunod ang Awards Ceremony at Closing dinner sa Agosto 10. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *