Friday , April 18 2025
DDB PDEA
DDB PDEA

PDEA, DDB ‘nalulusutan’ ng Chinese drug dealer

BAKIT lalong nagiging lantaran ang pagkasangkot sa ilegal na droga ng ilang Tsino sa ating bansa? Gaano na sila katagal namamayagpag dito? May koneksiyon ba sila sa pamahalaan?

     Ilan Ito ang mga tanong na inilahad ni Senador Panfilo Lacson nitong Lunes kasabay ng pagsasabing dapat ay mahanapan ng solusyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB), kasunod ng mga serye ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.

     “Salute to the PNP! More than these successful police operations, the DDB and PDEA should look deeper into the bold and imprudent behavior of these Chinese nationals to choose the Philippines as their base; how long they had been operating; their possible connections in government, etc,” saad ni Lacson, na namuno sa PNP noong 1999 hanggang 2001, sa kanyang Twitter account.

     Si Lacson ang sponsor ng budget ng PDEA, ahensiyang nakikipag-ugnayan sa mga alagad ng batas sa paglaban sa ilegal na droga gayondin sa DDB na bumubuo ng mga polisiya at patakaran sa pag-iwas at pagkontrol sa pagkalat nito.

     Ayon sa PNP, nasa P1.482 bilyong halaga ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride (shabu) ang kanilang nasamsam sa anti-illegal drug operations sa Quezon City, Valenzuela City, at Balagtas, Bulacan nitong Linggo, Agosto 1.

     Napatay sa operasyon ang isang Chinese drug suspect na kinilalang Wu Zishen, 50 anyos. Apat pang mga pawang kababayan niya ang naaresto.

     Kinilala ang mga nadakip na sina Willie Lu Tan, Anton Wong, at Wang Min sa operasyon sa Novaliches, Quezon City, nakuhanan ng 127 kilo ng shabu, ay halagang P863.6 milyon.

     Sa operasyon sa Valenzuela City, nasakote ang isang Joseph Dy at narekober ng mga awtoridad ang 16 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P108.8 milyon.

     Humantong sa pagkakapatay kay Wu ang isa pang operasyon sa Bulacan at nakuha ang 75 kilo ng shabu na may halagang P510 milyon. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *