Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P510-M shabu nasamsam sa Bulacan Chinese national todas sa drug bust

NAPASLANG ang isang Chinese national habang nakompiska ang tinatayang P510-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa Warehouse No. 3 Grand SG, Brgy. Borol 2nd, sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng hapon, 1 Agosto.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsamang elemento ng PDEA-IIS, PDEA-RO3 Bulacan PO, PDEA-SES, PDEA-NCR, Team AFP JTF Noah, NICA, PNP-DEG NCR, PDEG IFLD, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas MPS, Bulacan Provincial Intelligence Unit PIU, 1st PMFC Bulacan SWAT, RIU-3, RID3, at Bulacan Provincial Drug Enforcement Unit, dakong 5:40 pm, kamakalawa, na nauwi sa enkuwentro at pagkakapaslang sa 50-anyos na Chinese national na kinilalang si Wu Zishen, residente sa Brgy. Santol, sa nabanggit na bayan.

Narekober mula sa suspek ang 75 piraso ng berdeng tea bags ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na 75 kilo, nasa Dangerous Drug Board (DDB) value na P510,000,000, dalawang cellphones, dalawang ID card, buy bust money, isang Colt .45 pistol, at mga basyo ng bala.

Ayon sa PNP-DEG, isang kilalang importer at distributor ng ilegal na droga sa National Capital Region (NCR), Region 3, at iba pang mga karatig na lugar ang napatay na suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …