Friday , November 22 2024

In denial ang gobyerno

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HINDI pa rin magkamayaw ang mga Filipino kay Hidilyn Diaz hanggang ngayon – at ito ay dahil sa mabuting dahilan. Pagkatapos niyang tuldukan ang 97-taong pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya mula sa Olympics sa isang paraang record-breaking, karapat-dapat lang siya sa lahat ng pagmamahal at paghangang natatanggap niya sa ngayon.

     Ang kanyang mala-kalbaryong pag-angat patungo sa tuktok ay nagbigay ng kinakailangang atensiyon sa kaawa-awang kalagayan ng sports development program ng ating gobyerno, na higit na nagsasadlak sa kawalan sa ating mahuhusay na atleta kaysa nagtutulak sa kanila patungo sa tagumpay.

     Sa ngayon, siyempre pa, nalampasan na ni Hidilyn ang lahat ng hadlang at maging ang masasamang paghamon – mga mapanirang bagay na ayon kay Pangulong Duterte ay dapat nang kalimutan ni Hidilyn, na sinabihan ng “bygones should be bygones.” Ito ay matapos na bigyan siya ng gobyerno ng hindi bababa sa P10 milyon, bukod pa sa sari-saring ipinangakong tulong at tax exemptions para sa iba pang mga gantimpalang ibinigay sa kanya ng pribadong sektor.

     Pero ang pagkakaloob ng lahat ng ito sa ating Olympic champ, na pinatunayang siya ang pinakamalakas na babaeng weightlifter sa mundo, ay hindi dapat matakpan ang mga kakulangan ng gobyerno dahil patitindihin lamang nito ang pagiging in denial ng ating mga pinuno.

     Ang masakit lang, inilalahad nito ang salamin ng katotohanan sa ating harapan, sinasalamin ang imahen ng mga Filipino na gustong-gustong humanga sa mga kampeon pero wala namang malasakit at suporta sa mga atletang nagsisikap na bigyang-katuparan ang pinapangarap nating Olympic medals.

     Ang mga nakipagtagisan ng galing pero nabigo sa ngayon ay posibleng sila naman ang susungkit ng gintong medalya sa susunod kung hindi natin, lalo na ng ating gobyerno, aabandonahin ang ating mga atleta dahil hindi sila laman ng mga balita. Umasa tayong hindi lahat ay in denial sa kanilang kapakanan.

                                *         *         *

     Sa malas, hindi lang sa larangan ng palakasan mayroong in denial kundi maging sa pag-amin na ang Delta variant ng CoVid-19 ay totoong may community transmission sa Metro Manila.

     Sa kabila ng biglaang pagtaas ng mga bagong kaso na naitatala araw-araw, samahan pa ng mga pagtaya at rekomendasyon ng mga eksperto mula sa OCTA Research group, mas pinili ng Department of Health (DOH) na ipagpaliban ang kompirmasyon nito kahit pa batid nitong ang pinakahuling tala ng mga bagong kaso ng Delta variant ay ibinatay sa mga specimens na isinumite sa nakalipas na tatlong linggo.

     Para sa akin, habang inaantala ang kompirmasyon nito ay naaantala rin ang karampatang aksiyon mula sa panig ng local government units (LGUs) at ng kinauukulang healthcare facilities para protektahan ang publiko. Bakit kailangan pang magpatumpik-tumpik kung ang sitwasyon ay nangangailangan ng agarang tugon laban sa napakabilis kumalat na coronavirus?

                                *              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *