Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
philippines Corona Virus Covid-19

ECQ sa 3 siyudad, 1 lalawigan sa regions 6, 10

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Iloilo City at Iloilo Province sa Region 6 at Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10 sa mula 1 Agosto hanggang 7 Agosto 2021.

Nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte sa Region 1; Bataan sa Region 3; at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula mula 1 Agosto hanggang 15 Agosto 2021.

Pinalawig ni Duterte ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa National Capital Region mula mula 1 Agosto hanggang 15 Agosto 2021.

Inilagay sa GCQ with heightened restrictions mula 1 Agosto hanggang 15 Agosto 2021 ang Ilocos Sur sa Region 1; Cagayan sa Region 2; Bulacan sa Region 3; Laguna, Lucena City, Cavite, at Rizal sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City, at Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City sa CARAGA.

Habang ang Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa GCQ mula 1 Agosto hanggang 31 Agosto 2021.

Lahat ng iba pang lugar ay nasa modified general community quarantine (MGCQ) mula 1 Agosto hanggang 31 Agosto 2021.

Maaaring iapela ng local government units (LGUs) ang nasabing klasipikasyon ng kanilang lugar. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lumang gawing …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara nitong Huwebes – ang …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …