Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte kay Hidilyn Diaz LET BYGONES BE BYGONES

Hataw Frontpage Duterte kay Hidilyn Diaz LET BYGONES BE BYGONES
Hataw Frontpage Duterte kay Hidilyn Diaz LET BYGONES BE BYGONES

ni ROSE NOVENARIO

HINDI naganap ang pinakaaabangang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Tokyo Olympics gold medallist Hidilyn Diaz sa pagdawit sa kanya sa Oust Duterte plot matrix noong 2019 nang magharap ang dalawa sa virtual courtesy call ng Pinay athlete sa Punong Ehekutibo kagabi.

Imbes “I am sorry,” sinabi ni Pangulong Duterte kay Diaz na kalimutan na lamang ang nakalipas at magtuon sa kanyang tagumpay kasama ang pamilya at bansa.

“I hope that the years of toils, the years of disappointments, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them, you already have the gold. Gold is gold. And it would be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory, together with your family and of course with the nation,” anang Pangulo.

Suot ang uniporme bilang sundalo ng Philippine Air Force (PAF), humarap sa kanyang commander-in-chief si Diaz.

Ayon sa Pangulo, walang pagsidlan ang kagalakan at pagbubunyi ng buong bansa sa tagumpay ni Diaz at pinasalamatan siya sa pagpupunyagi upang makapagdala ng napakalaking karangalan sa Filipinas.

“As expected the nation is ecstatic about your achievement. Your achievement is the achievement of the Philippine nation. We are extremely proud. We cannot express even in the words how we should really be shouting Halleliua. Pero salamat naman sa pagtiis mo,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na tatanggap si Diaz ng P3 milyong pabuya mula sa kanyang sariling bulsa bukod sa P10 milyon na isinasaad sa batas.

Pagkakalooban din si Hidilyn ng Presidential Medal of Merit, isa sa pinakamataas na medalyang iginagawad ng Pangulo sa isang indibidwal.

Bilang sundalo, bibigyan si Diaz ng fully furnished house and lot sa Zamboanga City.

“So, ayusin mo mabuti ang buhay mo. You’ve been blessed by God. Hindi naman malaki, hindi naman maliit. This will go a long way to help your family. Alam mo struggle of life is a long, long process,” sabi ng Pangulo.

Ang pagiging celebrity aniya ni Hidilyn ay maaaring maging puhunan sakaling pumasok sa politika o anomang paraan na makapgsisilbi sa bayan bukod sa pagiging sundalo ng Pinay athlete.

“Maging political ano mo na ito… you are already a celebrity, it’s a political stock so, keep note of that. One day you’d want also to baka makatulong ka sa country in some other way other than being a soldier,” anang Pangulo.

Tanging “thank you” ang mga katagang nasambit ni Diaz sa mga tinuran ng Pangulo.

Matatandaan, inamin ni Diaz sa press briefing matapos masungkit ang gintong medalya sa Tokyo na isa ang pagdawit sa kanya sa matrix ang hinarap niyang mga hamon sa pagtahak niya tungo sa pagsungkit ng gintong medalya sa Olimpiada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …