Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cindy Miranda
Cindy Miranda

Cindy bilang sex symbol — ‘di negative ‘yan, pressure at compliment pa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG problema sa bida ng Nerisa ng Viva Films na si Cindy Miranda kung matawag siyang sex symbol ng Philippine cinema.

Sa digital media conference kahapon ng hapon, sinabi ni Cindy na okey lang sa kanya na matawag na sexy symbol ng Philippine cinema.

Actually okey lang sa akin, walang problema sa akin,” sagot nito.

“Someone asked me that question before. Actually, hindi negative sa akin na tawaging sex symbol. Pressure ‘yun sa part ko. Kasi sa akin talaga compliment ‘yun. So, bahala na sila kung ano ang meaning sa kanila ng ng sexy symbol.”

Paliwanag pa ng bida ng Nerisa na mapapanood na simula July 30 sa Vivamax, “I’m just gonna do my work. Kung matawag man akong isang sex symbol sana deserve ko ‘yun. Sana makita rin nila ‘yung pagiging sex symbol is not really bad. You’re just representing something.

“Pero to me talaga, mahal ko lang talaga ang trabaho ko. Kung ma-categorize man ako, it’s okey gusto ko lang maideliver ang character na  ginagawa ko and I hope makita nila ‘yung acting and it’s not just a sexy side on whatever I’m doing.”

Sa kabilang banda, marami naman ang nag-react din sa trailer ng Nerisa. May mga nagsabing bastos ito. Kaya natanong si Cindy ukol dito.

Aniya, ”Siguro dahil may mga nagpakita ng lovescenes and all kaya nila nasabing bastos.

“Sana lang ‘yung mga taong nagsabi na bastos, may mga nabasa rin akong ganyan, sana panoorin nila ‘yung movie kasi the movie itself hindi talaga bastos.

“Kailangan naming gawin iyong eksenang iyon dahil kailangan ng movie. Iyon ang makabubuo ng film.”

Giit pa ng dating beauty queen, “We didn’t do it para bastusin ang sinuman or whatever. Ang intensiyon lang namin eh, magkuwento ng isang istoryang napakaganda.

“Sana panoorin nila kasi ang movie talaga eh hindi bastos. At sana bumalik sila sa akin at mag-comment sila na nagkamali sila sa trailer na iyon. Hindi po give away ang trailer namin kais ang dami, ang dami pa nilang malalaman doon sa movie. ‘Yung trailer hindi giveaway ‘yun ng kabuuan ng movie.”

Idinagdag pa ni Cindy na, ”Sana makita nila ang acting ko rito, not the sexy side.”

Kasama ni Cindy sa Nerisa si Aljur Abrenica na isang mangingisda sa pelikula at magliligtas kay Nerisa (Cindy) nang malunod ito sa dagat. 

Si Nerisa ay kinaiinggitan ng mga kababaihan at pinagnanasaan ng mga kalalakihan sa isla. Pero ang importante lang kay Nerisa ay  ang taong nagligtas sa kanya at kanyang napangasawa, si Obet. At nang mawala sa dagat si Obet dahil sa isang aksidente, nangako itong gagawin at ibibigay ang lahat… maski ang kanyang katawan, mahanap lang ang  asawa.

Kasama rin nila Cindy at Aljur sa pelikula ang mga batikang aktor na sina  Elizabeth Oropesa  at  Bem­bol Roco, at mga kila­lang artista na sina Sexy Bombshell Sheree Bautista, Vivamax Sexy Princess AJ Raval, at ang star sa Anak ng Macho Dancer na si Sean De Guzman. Mula naman ito sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa sa July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at HuaweiAppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng Vivamax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …