Saturday , November 16 2024
lindol earthquake phivolcs

Magnitude 6.6 lindol yumanig sa Batangas (Dama sa buong Luzon)

NIYANIG ng magnitude 6.6 lindol ang bayan ng Calatagan, sa lalawigan ng Batangas, nitong Sabado ng umaga, 24 Hulyo, na sinundan pa ng afterschocks.

Sa kanilang earthquake bulletin, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang tectonic earthquake dakong 4:49 am na may lalim na 116 kilometro.

Agad itong sinundan ng magnitude 5.5 na pagyanig dakong 4:57 am na may lalim na 107 kilometro.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala mula sa dalawang insidente ng pagyanig.

Samantala, ramdam ang Intensity 5, na itinuturing na malakas ng Phivolcs, sa lungsod ng Calapan at Puerto Galera, sa Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona, at mga lungsod ng Tagaytay at Dasmariñas, sa Cavite.

Naitala ang Intensity 4 o katamtaman hanggang sa malakas na pagyanig sa mga lungsod ng Quezon, Marikina, Maynila, Makati, Taguig, Valenzuela, at Pasay; lungsod ng Tagaytay, Cavite; mga lungsod ng Batangas at Talisay, Batangas; at San Mateo, sa Rizal.

Ramdam ang Intensity 3 o mahinang pagyanig sa mga lungsod ng Pasig, at San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, walang naiulat na pinsala sa mga lalawigan ng Batangas at Marinduque.

Samantala, iniulat ni Lubang Island, Occidental Mindoro Mayor Michael Lim Orayani sa Regional Disaster Risk Reduction Management Council-MIMAROPA na may naitalang mga pinsala sa kanilang bayan ngunit walang naiulat na namatay.

Ani Orayani, nagdulot ang lindol ng malaking pinsala sa dalawang bahay sa isla at minimal na pinsala sa 11 iba pang bahay.

Walang naitalang namatay sa mga lalawigan ng Romblon at Palawan.

Matapos ang lindol, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng mga railway system sa Metro Manila upang masuri kung may pinsala dito. (KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *