Tuesday , November 5 2024

Goodbye Duterte (SONA zero crime tiniyak ng NCRPO)

ni ROSE NOVENARIO

MAAARING magkaroon ng ‘After Dark’ experience ang may 400 dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mga paboritong kanta niya ang maririnig na background music sa kabuuan ng okasyon sa Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City mamayang hapon. 

Ang ‘After Dark’ ay paboritong watering hole ni Pangulong Duterte sa Davao City, kung saan niya kinakanta ang mga paboritong awit at nag-e-entertain ng kanyang mga bisita.

Ayon sa SONA Committee, kabilang sa mga pre-recorded favorite songs ni Pangulong Duterte na maririnig sa bulwagan ng Kamara na tutugtugin ng Philippine Philharmonic Orchestra sa kabuuan ng SONA ay Ang Pagbabago, What a Wonderful World, Dust in the Wind, at McArthur Park.

Habang ang Philippine National Anthem ay aawitin ng singer na si Morissette Amon.

“It was the House of Representatives who invited Morissette Amon to sing the National Anthem,” sabi ni PTV-4 general manager Kathe¬rine de Castro.

Sina De Castro at Andanar ang pinuno ng SONA Committee.

Anila, titiyakin nilang tatatak sa puso ang ika-anim at huling SONA ni Pangulong Duterte kapag inilitanya ang roadmap sa natitirang isang taon sa Malacañang.

Kaugnay nito, ipinas¬kil ng mga aktibista ang higanteng banner streamer na “Goodbye, Duterte!” sa isang overpass sa Common¬wealth Ave., Quezon City na nagdurugtong sa University of the Philippines (UP) at Commission on Human Rights (CHR) sa UP-Ayala Technohub para makita ng lahat ng motorista, commuters, at VIPS na pupunta sa Batasan Complex.

Ang banner streamer ay bahagi ng paghahanda ng Movement against Terrorism Act (MATA) para sa despedida rally simula mamayang tang¬hali sa CHR grounds sa Commonwealth Ave.

Magsisilbing host ang MATA sa symbolic send-off package na “Libreng Maleta sa Paalis Na.” Ang mga maleta ay ihihilera sa paligid ng CHR grounds upang matiyak na naempake lahat ni Pangulong Duterte ang kanyang mga gamit paglisan sa Palasyo.

Bahagi rin ng aktibidad ang mock “Inumang Bayan Laban sa mga Lasing sa Kapangyarihan” bilang pagtutol sa planong Duterte dynasty na pangungunyapit sa kapangyarihan kahit tapos na ang termino, ayon sa Sentro ng mga Nagkakaisang Progre¬sibong Manggagawa (SENTRO).

Kinompirma kama¬kalawa ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., binigyan sila ng permit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte para makapagdaos ng kilos-protesta sa huling SONA ni Pangulong Duterte mula UP hang¬gang Commonwealth Ave.

“On his last SONA, after more than 5 years of fascist rule, we say ‘No More.’ ‘Sobra na, tama na,’” ani Reyes.

SONA
ZERO CRIME
TINIYAK
NG NCRPO

TINIYAK ng National Capital Region Office (NCRPO) ang seguridad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na “zero crime incidents.”

Siniguro kahapon ni NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., plantsa¬do ang seguridad para masiguro ang ‘zero crime incidents’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ngayong Lunes.

Tulad ng mga naka¬lipas na SONA, naitalang generally peaceful, wa¬lang insidente ng krimen sa kabila ng mga kilos-protesta at banta ng CoVid-19 noong naka¬raang taon, kaya inihanda ang security task force “SONA 2021” sa pamumuno ni Danao, bilang Task Force Commander.

Binuo ang security task force “SONA 2021” ng apat na task force, kabilang ang TF Anti-Criminality, tututok sa tuloy-tuloy na pagpapa¬tupad ng batas at pagpa¬panatili ng kapayapaan at kaayusan; TF Antabay,  para sa mabilis na deployment at intervention; TF RIMLAND,  para sa pag¬pa¬pakalat ng security personnel, civil disturbance management, traffic management control, at iba pang public safety services; at ang TF Reserve.

May kabuuang bilang na 15,174 personnel ang ipinuwesto upang mati¬yak ang seguridad at maging maayos, batay sa plano.

Mas maigting ang pagbabantay sa pag¬tutulong-tulong ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines (AFP), Joint Task Force- NCR (JTF-NCR), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Land Transportation Office(LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Health (DOH), Office of the Civil Defense (OCD), Quezon City Disaster Risk Reduction and Manage¬ment Office (DRRMO), QC-Department of Public Order and Safety (DPOS) at Philippine Red Cross (PRC), ani Danao.

Isang araw bago ang SONA, idineklarang “no fly zone” at  “no drone zone” maging ang mga ports at waterways sa Batasang Pambansa at kalapit na lugar.

“Ang hiling ko lang po sana, doon sa ating mga kababayan na nag¬babalak lumabas at magprotesta, huwag na po sana. O di po kaya ay gawin na lang ito online upang hindi na po maging sanhi ng pagkalat pa ng virus lalo ngayong may¬roon tayong binaban¬tayang bagong Delta variant.

“Magtulungan po sana tayo upang maging maayos ang SONA at the same time, hindi na rin po tayo magkaroon ng mass gathering na puwedeng maging mass spreader ng virus,” apela ni Danao.

(JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Check Also

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *