WALANG close contact si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagpositibo sa CoVid-19.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon matapos kompirmahin ni Davao City Mayor Sara Duterte na CoVid-19 positive ang kanyang kapatid.
Bilang isang ama ay nababahala aniya si Pangulong Duterte sa kalagayan ng kanyang anak.
“Wala po akong alam na close contact si Presidente ‘no. Ang second question is of course the President is concerned as a father bagama’t one thing going for Vice Mayor is siya po ay bata at malusog ‘no. Talaga naman pong immune system ang lumalaban dito sa CoVid-19 ‘no,” sabi ni Roque sa Malacañang virtual press briefing kahapon.
Sa kanyang paskil sa Facebook, inilagay niya ang screenshot ng video call ng Unang Pamilya kasama niya sina Pangulong Duterte, inang si Elizabeth Zimmerman, Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Baste.
“Sa ngayon, via video call muna ang family, kumustahan nang malaman naming positive sa CoVid-19 si Vice Mayor Baste. Get well soon Vice! Smile,” anang alkalde.
Batay sa OCTA Research, , ang Davao City ang may pinakamataas na daily average new CoVid-19 cases bansa.
Nasa kategorya ng “high-risk area” ang Davao City kasama ang Cebu City, Iloilo, Bacolod, Makati, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio, Taguig, Laoag, at Mariveles.