FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
NABASA namin na pinagtatalunan ng ilang netizens kung sino ang mananatiling ‘reyna’ sa GMA 7, kung si Marian Rivera-Dantes ba o ang bagong pasok na si Bea Alonzo?
Naagaw na raw kasi ni Bea ang korona kay Marian bagay na ikina-react ng supporters ng huli dahil maski sino ay walang puwedeng pumalit sa kanya.
Tama naman, pero isa ring ‘reyna’ si Jennylyn Mercado bilang homegrown talent siya ng GMA 7, remember Starstruck 1?
Anyway, sa usaping reyna, walang makaaagaw sa ngayon ang pagiging reyna ni Kim Molina sa Viva Films dahil halos lahat ng pelikula niya ay box office sa mga sinehan noong wala pang COVID19 pandemic at ngayon sa streaming apps ay nangunguna pa rin ang mga pelikula nito.
Katulad ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam kasama ang boyfriend niyang si Jerald Napoles ay kasalukuyang number 1 ngayon sa Vivamax kaya ang saya-saya ng mag-dyowa dahil muli silang naka-jackpot pagkatapos ng Jowables.
Kung parehong comedy ang Jowables at Ang Bababeng Walang Pakiramdam, drama naman itong ikatlong pelikula ng mag-dyowa, ang Ako at Ikaw at ang Ending mula sa panulat at direksiyon ni Irene Emma Villamor produced ng Viva Films.
Base sa trailer ay sex-drama ang Ako at Ikaw at ang Ending na parehong patapos ang buhay pero nagkasundo sa dulo.
Sa virtual mediacon ng #KimJe movie ay maaksyon daw sila rito literally.
“This is our third film na magkapareha kami at ibang-iba ang genre nito sa mga nagawa namin before kasi drama ito na may halong action. May chase scenes kami rito, barilan, takbuhan, at daring bed scenes na naka-underwear lang kami,” kuwento ni Jerald.
Sundot naman ni Kim, “We got very excited when Viva told us we’d do a film with Direk Irene. I’ve worked with her before in ‘Camp Sawi,’ ang first movie ko na kasama ako sa poster at nandoon ang pangalan ko.
“Sabi namin, direk, sure ka ba, kami gusto mong makasama? Kasi, ang mga idinirehe niya before, mga Dingdong Dantes, Anne Curtis, Bela Padilla, Carlo Aquino. Oo raw, kami raw, so grabe, very thankful kami na nagtiwala siya sa amin at ipinaglaban niya talaga kami.”
Nakangiti naman si direk Irene sa labis na pagpapasalamat ng KimJe.
Hirit pa ng aktor, “Kaya nagpapasalamat kami talaga kay Direk Irene for giving us this chance na mapanood kami ng viewers sa ganitong naiibang palabas. This is a big opportunity to show what we’re capable of doing as actors after being identified as comedians.”
Sa tanong kung paano ikukompara sina direk Irene at Daryll Yap na unang nagbigay ng box office movie sa KimJe tandem.
Si Jerald ang sumagot,“There is no comparison between Direk Darryl and Direk Irene kasi magkaiba sila ng process, style and sistema, pati sa flavor ng acting namin.
“Pareho silang masaya sa set, napakagaan katrabaho at walang pressure. Kay Direk Irene lang, mas sexy kami at grabe talaga ang love scenes namin. Laplapan kung laplapan.”
Ano naman ang komento ni direk Irene na ginawa niyang seryoso sa pelikula ang dalawang mahusay sa komedi?
“It’s fun kasi sa kanila nga ako humihingi ng tulong on how to interpret their characters as Mylene and Martin.
“Kasi mahuhusay silang aktor, so malaki ang tulong nila in giving inputs about their roles na parehong fierce and astig. The story starts noong nagsisimula pa lang ang pandemic at anxiety pa lang ang nararamdaman dahil hindi pa naglo-lockdown,” pahayag ng direktor.
Ang tanong, malampasan kaya ng Ako at Ikaw at ang Ending ang Babaeng Walang Pakiramdam sa Vivamax kapag ipinalabas na ito sa Agosto 13? Abangan.