MALAPIT nang umabot sa critical mark ng isang tulay ang taas ng tubig sa isang ilog sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, dahil sa walang tigil na ulan, nitong Miyerkoles, 21 Hulyo.
Sa datos ng lokal na disaster risk reduction and management office, sinabi ni Mayor Rolen Paulino, Jr., ang tubig sa ilalim ng Mabayuan Bridge ay nasa 1.59 metro dakong 7:00 am.
Umabot ang pagtaas ng tubig sa warning level na 1.50 hanggang 2.40 metro, na halos isang metro na lamang ang pagitan sa critical mark na 2.50 metro.
Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng heavy rainfall advisory sa lungsod ng Olongapo at sa buong lalawigan ng Zambales dahil sa habagat.