Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serbisyo ni Sara sa Davao tuloy-tuloy

SINIGURO ni Sara Duterte-Carpio sa mga Dabawenyo na hindi niya pinababayaan ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde ng Davao city.

“I assure all Dabawenyos that my strength as a mayor is to take on several roles and ensure that work is carried out,” saad ni Duterte-Carpio.

Lahat umano ng serbisyo at operasyong pampubliko sa Davao city ay hindi maaantala sa tulong ni vice mayor Sebastian Duterte habang tinutugunan ng alkalde ang iba pa niyang mga tungkulin sa ibang parte ng bansa.

“I don’t stop being mayor wherever I am. I give instructions and make decisions at all times of the day, whenever needed,” dagdag ng alkalde na umano’y hinati na ang kanyang buong linggo sa pagiging alkalde, pamomolitika, at pati na rin sa kanyang pamilya.

Sa isang ambush interview kamakailan, sinabi niya sa media na ang vaccination program ng Davao city ay “doing very well” ngunit ang kanilang pangunahing target ay ang magkaroon ng herd immunity sa nasabing siyudad sa Nobyembre ngayong taon.

Hanggad ng alkalde na maging tuloy-tuloy ang pagdating ng mas marami pang bakuna para sa mga Dabawenyo.

Ayon sa Davao City Vaccination Cluster, hanggang nitong 30 Hunyo ay mayroong kabuuan na 257,253 doses ang naibakuna – 211,425 bakuna para sa unang dose at 45,828 naman para sa ikalawang dose.

Nanguna si Duterte-Carpio kamakailan na survey ng mga napipisil na presidente para sa eleksiyon sa susunod na taon samantala ang kanyang ama naman na si Presidente Rodrigo Duterte ay nanguna sa vice presidential bet survey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …