NALIBING sa lupa at putik ang isang bahay nang daanan ng landslide na tumama sa isang residential area sa bayan ng Balbalan, lalawigan ng Kalinga nitong Lunes, 19 Hulyo, habang inilikas ang pitong pamilyang naninirahan dito sa mas ligtas na lugar.
Ayon kay Pearl Tumbali, Balbalan disaster risk-reduction management officer, dahil sa malakas at walang tigil na ulan ng mga nakaraang araw kaya lumambot ang lupa sa Brgy. Maling.
Walang nasaktan sa insidente ngunit binalaan ang mga residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga tahanan.
Ani Chariz Dayag, Kalinga provincial disaster risk reduction and management council staff, gawa sa light material ang nawasak na bahay.