MARAMI ang humanga kay Ara Mina dahil sa kabila ng naging abala sa kanyang kasal, hindi nito pinabayaan ang taping ng action-serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Para kasi kay Ara, the show must go on kesehodang may personal na bagay siyang ginagawa at inaasikaso.
Maganda naman kasi ang role ni Ara sa Ang Probinsyano na halos magkaagawan sila ng eksena ni Lorna Tolentino. Pareho silang ilusyunada na gustong maging first lady ng palasyo ni Rowell Santiago.
Gustong-gusto ng netizens ang pagtataray ni Ara kay Tirso Cruz III at hindi din natatakot kay LT.
Iisang bagay lang ang hindi makopya ni Ara, ang bangs ni LT.
– Vir Gonzales