Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joel kay Paolo — Na-shock ako, napaka­galing niya

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Direk Joel Lamangan, huh! Sa kabila kasi ng pandemya ay sunod-sunod ang pagdidirehe niya ng pelikula. In fact, tatlong sexy films na agad ang nagawa niya.

Una na rito ang Anak Ng Macho Dancer ni Sean de Guzman, na naipalabas na. Sa July 9 ay showing naman ang Silab, na bida sina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jayson Abalos. At sa July 23, ipalalabas na ang Lockdown mula sa For The Love of Arts Films. Bida rito si Paolo Gumabao.

Tinanong namin si Direk Joel kung ano ang kaibahan ng Lockdown sa Anak Ng Macho Dancer at Silab. Ang sagot niya na natatawa, ”Aba rito, totoong nagpakita ng ti…”

So, base sa naging sagot ni Direk Joel, parang sinasabi niyang peke lang ‘yung ipinakitan ng mga nagsiganap na macho dancers sa Anak Ng Macho Dancer at peke rin ang ipinakita ni Marco sa Silab?

Napanood na kasi namin ang Silab at maraming eksena si Marco na nagpakita ng kanyang pagkalalaki.

First time ni Direk Joel na maidirehe si Paolo at puring-puri niya ang step-brother ni Marco Gumabao. Napakahusay daw nitong aktor.

“Na-shock nga ako dahil hindi ko akalain na ganoon siya kahusay na aktor. At ganoon siya kahanda sa kung ano ang hinihingi sa kanya. Walang tanong! Kapag sinasabi ko, ‘O Paolo hubad, ha? ‘Okey po direk,’ Masa-shock ka!”

Kaya nasabi ni Direk Joel na masa-shock ka, dahil ka-shock-shock ang inilabas ni Paolo. Na ibig niyang sabihin ay malaki ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …