Wednesday , December 25 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Aksiyon hindi paksyon

BULABUGIN
ni Jerry Yap

TATLONG buwan na lang at matatapos na ang hulaan kung sino-sino ang mga tatakbo bilang president, vice president, at mga senador ng bayan.

Sa buwan ng Oktubre, pipila na sa Comelec ang wannabes para magsumite ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Kaya nga hindi nakapagtataka, ilang lingo na rin ang mga nagaganap na banatan, siraan, at tila mga putik na ibinabato ng mga nagbabalak tumakbo sa 2022 elections, sa iba’t ibang kampo.

Hindi pa panahon ng kampanya ‘yan ha. Nandiyan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay binakbak ng kanyang kapartidong si Senator Manny “Pacman” Pacquiao. Nakisakay na rin si dating Senador Sonny Trillanes at inakusahan naman ang pangulo pati si Senador Bong Go ng plunder o pandarambong.

Actually, maririndi ka na rin sa ingay politika kahit wala pang kampanya.

Ang sabi nga ni dating Speaker Alan Petrer Cayetano, walang maidudulot na mabuti ang mga bangayan sa pagitan ng mga kandidato lalo na dahil nasa pandemya pa rin ang ating bansa. Marami ang nagugutom, marami ang wala pa rin trabaho, at marami pa ang hindi nakaaahon mula sa kawalan dulot ng CoVid-19.

Kaya nga imbes makisali sa mga siraan, minabuti nitong si Cayetano na i-focus ang kanyang atensiyon sa pagtulong sa kapwa.

Kung tutuusin, hindi pa nga sigurado si Cayetano kung tatakbong pangulo e. Ang dinig natin, sa October pa magdedesisyon kung anong posisyon ang kanyang kakarerin sa 2022.

Pero tingnan n’yo naman, mahigit 5,000 na ang nakatanggap ng “Sampung Libong Pag-asa” o 10K ayuda na tulong ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong BTS o Balik sa Tamang Serbisyo sa kongreso. 

Malawakan na nga ang inabot ng 10K ayuda dahil kalat na sa buong bansa ang mga benepisaryo nito. Layon kasi ni Cayetano at ng kanyang grupo na matanto ng mga kongesista, senador, at ng gobyerno na kailangan ng mga tao ngayon ang 10K ayuda bilang pang-ahon sa kanilang sitwasyon kaya nararapat na ito ay maisabatas o maisali man lang sa Bayanihan 3.

Pero sa halip na banatan ang Kamara dahil sa kawalang aksiyon sa 10K Ayuda Bill, ayon dinagdagan pa ni Cayetano ang kanyang tulong sa mga tao. Inilunsad ng kanyang grupo ang isa na namang proyekto na makatutulong sa ating maliliit na kababayan sa buong bansa.

Ito ang pagbibigay ng P3,500 sa may 100,000 sari-sari stores sa buong bansa bilang dagdag puhunan sa kanilang pagtitinda.

Nagkaroon na ito ng soft-launching sa Baguio City, Dagupan City, Olongapo City, at maging sa Guiguinto at Calumpit sa lalawigan ng Bulacan na daan-daang sari-sari stores na ang nakinabang.

Ayon nga kay Nanay Avelina ng Dagupan City, isa sa mga nakatanaggap ng P3,500, malaking tulong ito sa kanyang tindahan na pilit niyang sinusustina ang paninda ngayong pandemya.

Sabi nga niya, ‘yung kanyang tindahan ang kanila rin naging source ng makakain dahil sila na mismo ang komokonsumo ng noodles, sardinas, toyo, bigas, at iba pa niyang paninda dahil nagkasakit ang kanyang asawa ngayong pandemya.

Bukod dito, iniikot din at binabalikan ni Cayetano ang mga grupo ng magsasaka at mangingisda na dating benepisaryo ng kanyang PTK o Programng Presyo Trabaho Kita at muli niya itong inaabutan ng panibagong tulong pati na ang mga barangay health workers na pangunahing medical frontliners sa mga barangay. 

Kaya nga siguro dalawang mayor na sa Central Luzon sa katauhan ni San Fernando City Mayor Edwin Santiago at Tarlac City Mayor Christie Angeles ang nagpahayag ng suporta kung tatakbo man si Cayetano bilang pangulo. Maging si Manay Gina De Venecia ay nanawagan na rin sa mga taga-Pangsinan na suportahan si Cayetano kung anomang posisyon ang tatakbuhan dahil sa kabutihan ng puso sa ngalan ng pagseserbisyo.

Exciting na ang nangyayari sa bansa. Ngayon pa lang matuto na tayong kilatisn ang ating mga susunod na lider. Hindi na sapat ngayon na kilala at sikat ka lang. Hindi na rin pupuwede na puro plano lang. Dapat may kabalikat na aksiyon ngayon pa lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *