Antigen test ng pashero rekesito ng PTIX
PINAYOHAN ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga pasahero na nais magtungo o bibiyahe papuntang Bicol Region na dapat silang sumailalim muna sa antigen test bago makabiyahe.
“Per LGU travel guidelines, passengers bound for Bicol are required to undergo antigen testing at the PITX Antigen Testing Facility. Only results released from the said facility on the exact day of travel shall be accepted. The testing area is located at the 3rd floor parking area and testing fee is P850.00. This service is open to all,” ayon sa PITX management.
Unang sinabi ng PITX na ang biyahe sa Matnog, Sorsogon at Naga City, Camarines Sur, sa Bicol Region ay bukas na rin sa PITX simula noong 30 Hunyo 2021 kasunod ng pagbubukas ng biyahe sa Legazpi City, Tabaco, at Tiwi, Albay.
Kailangan ang company ID, APOR ID/ at iba pang government issued ID.
Dapat magpa-book 48 oras bago ang biyahe at kailangang negatibo sa antigen test na inisyu ng PITX Antigen Testing Facility sa mismong araw ng biyahe, at may karagdagang requirement para sa 17-anyos pababa, na dapat ay may kasamang magulang o guardian na may Parent Travel Permit mula sa DSWD kung hindi kasama ang mga magulang.
Inihayag ng PITX na aprobado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta patungo sa Quezon Province ngayong Hulyo,
“We’ve been coordinating with LGUs for the opening of new routes to different Southern Luzon provinces such as Bicol, Quezon, Batangas, and Laguna. This is our way of helping revive our economy while still having safety as our priority,” ani PITX Corporate affairs and Government Relations Head Jason Salvador. (JAJA GARCIA)