Sunday , December 22 2024

Mishra pinakabatang Grandmaster sa kasaysayan ng chess

NAGING pinakabatang chess grandmaster si IM Abhimanyu Mishra ng New Jersey  sa kasaysayan ng chess nang makumpleto ng 12-year-old boy ang ikatlong GM norm sa Budapest, pagkaraang makasampa na siya sa reglamentong 2500 Elo rating barrier.

Si Mishra na kilala sa katawagan na ‘Abhi’ sinira ang record ni GM Sergey karjakin na walang naka­bura sa loob ng 19 years. Nasungkit ni Karjakin ang grandmaster title sa edad na 12 years and seven months. Si Mishra na ipinanganak noong Pebrero 5, 2009 ay naging GM sa edad na 12 years, four months, at 25 days.

“Somehow I am quite philosophic about this because I felt like it has been almost 20 years and it is really too much! It had to be broken. Sooner or later I was sure that it will happen. I was completely sure that one of the Indian guys would do it much earlier. Somehow I was very lucky that it didn’t happen.

“Yes, I am a little sad that I lost the record, I don’t want to lie, but at the same time I can only congratulate him and it’s no problem. I hope that he will go on to become one of the top chess players and it will be just a nice start to his big career. I wish him all the best.

“I hope that he will go on to become one of the top chess players and it will be just a nice start to his big career. I wish him all the best,”  pahayag ni Sergey Karjakin.

Ginugol ni Mishra ang ilang buwan sa Budapest, Hungary na naglaro sa back-to-back na torneyo, na hangad ang titulo at ang record.   Nasungkit niya ang first at second GM norms sa Hungary, sa April Vezerkepzo tournament at sa May 2021 First Saturday tournament,  ang dala­wang torneyo ay parehong round-robins ng 10 manlalaro.

Hindi niya agad na nasundan sa kanyang sumunod na tatlong torneyo sa Hungarian capital, na nagsisimula kada dalawang linggo;  Ang May at June Vezerkepzo at ang June First Saturday round-robins, ay sumusulong sa iisang playing hall.

Sa unang final attempt ngayong buwan, ay naging matagumpay siya.   Dahil sa nananatili ang mga chess players sa Budapest sa mahabang bakasyon, lumikha ang organizers ng last event, sa pagka­kataong iyon ay Swiss group na tinawag na Vezerkepzo GM Mix.  May imbitasyon si Mishar sa FIDE World Cup sa Sochi pero    sumalang pa rin siya sa huling tsansa bago iwan ang Hungary.

Nagtala agad si Mishra ng limang panalo sa anim na laro pero sa round seven ay natalo siya kay Slovak GM Milan Pacher,   pero agad na­mang nakabalik sa panalo nang gibain niya si Hungarian FM Bence Leszko.

Sa araw na iyon ay tinalo rin niya si 15-year-old Indian GM Leon Mendonca tangan ang itim na piyesa para lumobo ang performance rating niya na mas mataas na 2600 sa loob ng nine rounds, na nangangahugan ng GM norm.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *