Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diana award ibinigay na parangal kay Nicole Nieto

BINIGYAN  ng presti­hiyosong parangal na  ‘Diana Award’  ang dating pambato ng Ateneo Blue Eagles badminton player na si Nicole Nieto.

Muling ipinakita ng atletang Pinoy na hindi lang sila magaling sa sports, maaasahan din sila sa pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng pandemya.

Hindi nagdalawang-isip si Nicole na tumulong  sa gitna ng pag-atake ng coronavirus (COVID-19).

Kaya naman pina­rangalan siya at tumanggap ng Diana Award mula kay Prince Harry, ang Duke of Sussex.

Si Nieto ay kapatid ng dalawang sikat na Matt at Nieto na miyembro ng National basketball team,  naging abala siya sa pagbibigay ng Personal Protection Equipment, pagkain at mga gamot sa frontliners at ordinary citizens.

Pinarangalan si Nieto via virtual ceremony noong June 28.

“When the pandemic started and lockdowns were announced, my family and I knew how big a need there was to support our communities,” sabi ni Nieto. “We decided to utilize our network in order to bring as much help as we could to Cainta.”

Ipinangalan ang Diana Award kay Diana Spencer, ang Princess of Wales, na itinatag noong 1999 na pinamunuan ni former United Kingdom Prime Minister Gordon Brown at Spencer kasama sina Prince William Duke ng Cambridge at Prince Harry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …