NAPAPABALITANG tatakbong mayor ng Victorias, Negros Occidental si Javi Benitez, ang boyfriend ni Sue Ramirez. Kaya hindi maiwasang tanungin ang aktres kung titigil na siya sa pag-aartista at magiging housewife na lang kapag nagpakasal na sila ng actor/politiko.
Ani Sue, wala pa sa isip niya ang paglagay sa tahimik. Bagkus sa showbiz career niya siya naka-focus.
Ang kabi-kabilang trabaho niya ang kanyang pinagkakaabalahan.
Katulad ngayon, siya ang lead role sa Boyfriend No 13 at busy din si Javi. Besides hindi pa rin niya alam kung tutuloy sa pagtakbo ang boyfriend.
Kasama ni Sue sa Boyfriend No 13 sina JC Santos at JC de Vera. Mapapanood ito sa WeTV sa Friday July 2 at 7:00 p.m..
Joe Barrameda