NALI-LINK ngayon si John Lloyd Cruz kay Katrina Halili. Nagsimula ito nang dumalo ang huli sa birthday celebration ng una kamakailan, na ginanap sa rest house ni Lloydie sa Nasugbu, Batangas.
Tanong ng mga netizen, bakit naroon si Katrina eh, hindi naman napapabalitang close sa aktor? May something daw sigurong namamagitan sa kanila.
Nag-chat kami sa isang malapit kay Lloydie para tanungin kung may alam siya tungkol sa pagkaka-link nina Lloydie at Katrina.Wala raw siyang alam. Iti-txt niya si Lloydie para tanungin kung totoo na sila na ni Katrina.
Ayun, noong tinext niya ito, ang reply sa kanya ng aktor ay, “Basically, Katrina is a family friend.”
O ayan, coming from Lloydie, family friend lang nila si Katrina.
Siguro naman ay matitigil na ang pagkaka-link sa dalawa.
Rommel Placente