“IN a way, we both know na nag-level up na kami.
“We did get closer together naman po and we’ve been enjoying it and it’s been a fun journey so far,” ang sagot sa amin ni Joaquin Domagoso sa tanong kung nag-level up na ba sila o kung may na-develop na sa kanila ni Cassy Legaspi sa ilang buwang lock-in taping ng First Yaya.
Tinanong din namin si Joaquin kung ano ang pagbabagong dulot ng First Yaya sa kanyang propesyon bilang artista. At ang naitulong naman ng papel niya bilang naging matatas mag-Tagalog.
“Because you know, Jonas really challenged me to learn how to speak Tagalog better, and sa mga accent, sa words,” sinabi pa ng guwapong anak ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Rommel Gonzales