Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kit sumikat sa ganda ng katawan — I don’t think so, puwede kang maging masipag, matalino

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SIGURO kung hindi lang lock-in taping ang uso ngayon sa panahon ng COVID 19 pandemic, malamang na naglalagare si Kit Thompson sa rami ng gustong kumuha sa kanya sa pelikula.

May alam kaming pelikula na bagay sa kanya ang role at kinukuha siya pero sinabi ng kanyang handler na busy si Kit dahil kasama siya sa teleseryeng La Vida Lena na mapapanood na ngayong gabi, Hunyo 28 sa A2Z at TV5, 10:00 p.m. bukod pa sa Kapamilya online channel.

Sa nakaraang zoom mediacon ng La Vida Lena ay nabanggit ng aktor na labis siyang nagpapasalamat dahil ang dami niyang projects ngayong pandemic.

Aniya, ”Hindi ako Star Magic, so, siyempre iba ‘yung gratitude ko to ABS-CBN and to Dreamscape. This is my second project with Dreamscape and up until now andiyan pa rin sila para sa akin.

“They never forgot about me and nawala ako for almost four years and pagkabalik they were still there willing to give me a project and I’m always grateful. At saka hindi naman maiiwasan na may mga bagong artists younger than you kasi hindi naman tayo bumabata ‘di ba?

“At saka from the time that I started, ibang-iba na ‘yung roles from then to now. So just always be grateful, always count your blessings kasi hindi mo alam kung kailan mawawala.”

Ang unang proyekto ni Kit sa Dreamscape ay ang Sino Ang Maysala: Mea Culpa kasama sina Bela Padilla, Ivana Alawi, Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Tony Labrusca, at Jodi Sta. Maria.

Unang beses nagkatrabaho sina Kit at Erich at ayon sa aktor ay na-tense siya dahil kailangan niyang magpa-sexy.

“Mayroon naman pero hindi naman’ yun ‘yung highlight ng show. Siyempre the show’s not about skin. Mayroon din dito ‘yung performances, ‘yung mga away scenes lalo na ‘yung kila Agot (Isidro). There’s some scenes na hindi siya funny ‘yung atake pero kung papanoorin mo medyo may humor siya. ‘Yun ‘yung isa pa sa aabangan ng mga viewer.”

Nabanggit din ni Kit na hindi lahat ng sumisikat ay dahil idinaan sa ganda ng katawan at mukha.

“I don’t think that that’s true because beauty is not everything naman in this world. Puwede kang maging masipag, matalino to get to where you want to be in this life.

“Siguro a high place sa akin, it’s different from others. Different ‘yung journey, different ‘yung goals so nag-ba-vary talaga,” katwiran ng binata.

At dahil lock-in kaya sa set na lang nagwo-work out ang aktor.

“During my free time ‘pag late ‘yung call time, I manage to squeeze in a workout just to keep myself healthy and sane (sabay tawa). Very limited workout lang ang puwede ko magawa roon.

“So that’s why I bring my own kettle bell, my TRX na I do body weight workouts. Wala kasing gym du’n so hindi puwedeng magbuhat. Calisthenic workouts or sometimes I do yoga rin. ‘Yun lang I do mga simple workout to keep you sane.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …