Saturday , November 16 2024

VisMin, Davao target ng Covid vaxx express ni VP Robredo (Sa hiling ni PMP solon Rodriguez )

HATAW News Team

WALANG paki si Bise Presidente Leni Robredo akusahan man siyang ‘namomolitika’ ni Davao city mayor Sara Duterte para sa 2022 elections, matapos niyang punahin na ‘kulelat’ ang huli sa pagtugon sa mapa­nalasang pandemya dulot ng CoVid-19.

Resulta ng ‘kulelat’ na pagtugon ang mataas na kaso ng virus sa Davao, kaya nangako si VP Leni na dadalhin ng Office of the Vice President (OVP) ang CoVid-19 Vaccine Express Program sa Visayas at Mindanao.

Tugon ito ni Robredo sa apela ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez na palawigin ng pangalawang pangulo ang drive-through vaccination program ng OVP sa Visayas at Mindanao na dumaranas ngayon ng paglobo ng CoVid-19 cases.

Sa isang twitter post, agad nagpasalamat si Rodriguez sa mabilis na aksiyon ni Robredo.

“We need your project here in CDO to vaccinate more people. We need much help that we can get for my constituents in Cagayan de Oro City,” nakasaad sa tweet ni Rodriguez.

Sa nasabing twitter thread, sumagot din si Senator Panfilo Lacson na natuwa sa naging palitan ng aksiyon ng dalawang opisyal.

Ang apela ni Rodri­guez, mula sa Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), kay Robredo ay kasunod ng pinakahuling OCTA Research findings na tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa kaso ng CoVid-19.

Nabatid, sa unang araw ng Vaccine Express initiative ni Robredo sa Maynila, umabot sa 2,275 drivers ng tricycle, pedicab, at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod sa P500 fuel incentives.

Target isunod ng OVP ang mga vendor sa Metro Manila.

Matatandaan, nag­karoon ng alingasngas kamakailan sa pagitan nina VP Leni at Mayor Sara nang masamain ng huli ang advice ng pangalawang pangulo na pag-aralan at gagarin ng Davao City ang CoVid-19 approach ng Cebu City.

Ani Robredo, mas malaki ang populasyon ng Quezon City ngunit nangunguna ang Davao City sa LGUs na may mataas na naitatalang  kaso ng CoVid-19 kada araw.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground.”

Ito ang naunang pahayag ni Mayor Sara at tahasang sinabi na kulang sa pang-unawa at kaala­man si VP Leni. Wala rin umanong maitutulong ang pangalawang pangu­lo para maresolba ang problema.

Sa patutsadahang VP Robredo – Mayor Duterte, ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagpanig kay Robredo kabilang rito si Pia Magalona, ang asawa ng yumaong master rapper at makabayang si Francis Magalona.

Aniya, maling sabihin ni Mayor Duterte na walang alam ang Pangala­wang Pangulo, sa katunayan ay nalalaman nito ang sitwasyon kaya may karapatan siyang magkomento.

Giit ng netizen na si @Maldita Manila na “the truth hurts” saka itinuring na pikon at walang modo ang sagot ni Mayor Duterte sa simpleng suhestiyon nI Robredo na pangalawang pinaka­mataas na opisyal ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *