Saturday , November 16 2024

Pag-iibigan sa Cebu nagsimula sa tabo, viral sa social media

NAG-VIRAL ang kuwento ng mag-asawa matapos nilang i-post sa social media ang kanilang wedding photo at gunitain kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan siyam na taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Jolo Argales, 31 anyos, nanghiram sa kanya noon ng tabo ang asawa na niya ngayong si Rain Capuyan, 30 anyos, sa Cebu kung saan sila ngayon nakatira.

Nang magkakilala sila, nagtatrabaho noon si Rain sa isang business process outsourcing (BPO) company, habang sa isang restaurant pumapasok si Jolo.

Dahil sa kagustuhan ni Rain na makilala ang pinsan ni Jolo na inilarawan ng kanyang roommate na isang guwapong modelo sa Cebu, nilakasan umano niya ang kanyang loob na manghiram ng tabo sa kanilang board mate.

Pagbabahagi ni Rain, kailangan talaga nila noon ng tabo dahil kalilipat nila at kailangan maglinis ng banyo.

‘Inuto’ siya ng roommate na manghiram ng tabo at nagkataon na si Jolo ang nakausap, hindi ang kanyang pinsang modelo.

Simula noon, lagi na umano siyang tinutukso ng kaniyang roommate kay Jolo na sa una ay naging kaibigan niya at kalaunan ay naging kasintahan.

Ani Rain, hindi man ito ‘love at first’ ay nahulog na rin ang loob niya kay Jolo nang lubusan silang magkakilanlan.

Ikinasal sina Jolo, sterilization technician sa isang pagamutan, at Rain, na supervisor na ngayon sa isang BPO company, noong 16 Hunyo sa isang civil wedding rites.

Dagdag ni Rain, gusto nilang sa simbahan maikasal ngunit nag-iipon pa sila para rito kaya sa huwes sila nagpakasal at planong mag-isang dibdib sa simbahan sa 2023.

Pinagpala ang mag-asawa ng dalawang anak na may edad lima at dala­wang taon habang ipinag­bubuntis ni Rain ngayon ang kanilang ikatlong supling.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *