Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toda drivers, delivery riders una sa OVP vaccine express (Leni-Isko, tandem sa Maynila)

UMARANGKADA ang Vaccine Express ng Tanggapan ni Vice President Leni Robredo kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
 
Personal na binisita ni VP Leni at Mayor Isko ang pinagdarausan ng Vaccine Express sa unang araw ng programa nitong Martes, 22 Hunyo. Dito, binakunahan ang economic frontliners tulad ng tricycle, pedicab, at delivery riders mula sa lungsod ng Maynila na kabilang sa A4 category ng priority groups na itinakda ng pamahalaan.
 
Sa kanilang panayam, pinasalamatan ni VP Leni at Mayor Isko ang tanggapan ng bawat isa dahil sa sa all-out na kooperasyon at suporta na ibinigay nito para sa pagpapaigting ng vaccination drive ng lungsod.
 
“Iyong suportang ibinigay sa amin all-out. Kaya pagdating ni Mayor Isko kanina pinapasalamatan ko siya kasi iyong staff talaga niya, lahat ng klase ng tulong na kailangan namin ibinigay. And nakatutuwa iyon. Nakatutuwa na hindi tinitingnan iyong kulay. Basta sa ngalan ng serbisyo para sa bayan ay magtutulungan [dahil] ang magbe-benefit dito iyong taongbayan,” wika ni VP Leni.
 
Para naman sa alkalde ng Maynila, napakalaking tulong ang inisyatiba ng OVP para sa riders at drivers kaya’t aniya, ipagpapatuloy nila ang Vaccine Express para sa mga vendor sa lungsod.
 
“Ngayon, nakikita ninyo nagbenepisyo iyong mga economic drivers natin — mga frontliners natin sa economic [sector]. And we’re very happy and excited na ito ay matutuloy bukas at iyong kanina, iyong binabanggit ni Vice President, gusto niya naman pumunta sa mga vendor so we will be partnering with the OVP,” ani Yorme.
 
Ayon kay VP Leni, malaking tulong ang mga doktor at nars na nag-volunteer bilang screeners at vaccinators, pati mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan para sa maayos na pagsasagawa ng programa.
 
Isa lamang ang Vaccine Express sa maraming inisiyatiba na sinimulan ng tanggapan ni Robredo bilang tugon sa pangangailangan ng mga Filipino sa gitna ng banta ng CoVid-19.
 
Marso pa lamang nang unang tumama ang virus sa bansa, inilunsad agad ng OVP ang sari-saring programa para sa frontliners at komunidad, kabilang ang delivery ng mga personal protective equipment, libreng shuttle service, libreng dormitories, at marami pang iba.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …