Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Golfer Pagunsan papalo sa Tokyo Olympics

KASAMA na  sa listahan ng mga atletang Pinoy si Asian Tour professional golfer Juvic Pagunsan sa hanay na lalarga sa 2021 Tokyo Olympics.

Ang nasabing magandang balita ay inanunsiyo ng International Golf Federation (IGF) , world governing body ng laro, pagkatapos ilabas  nila ang top 60  golfers sa Olympic rankings nung Martes.

Si Pagunsan, 43,  ang Mizuno Open champion ang ika-13th na atletang Pinoy na nakasama sa quadrennial games na magsisimula sa susunod na buwan.

Ang iba pang atletang Pinoy na hahataw sa Tokyo Olympics para asamin ang unang gintong medalya ng Pilipinas ay sina Kurt Barbosa (taekwondo); Margielyn Didal (skateboarding); Cris Nievarez (rowing); EJ Obiena (pole vault); Jayson Valdez (shooting) Carlos Yulo (gymnastics); Erleen Ando at Hidilyn Diaz (weightlifting); at Irish Magno, Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio (boxing).

Ayon sa IGF, ang top 15 world-ranked na manlalaro ay lalarga sa Olympics pero  nilimitahan lang sa apat na manlalaro ang isang bansa.

Ang bansang naapektuhan ng nasabing ruling ay ang USA.  Meron silang golfers na pumasok sa top 15 pero apat lang ang sasalang sa Tokyo Games.

Si Dustin John ay nag-withdraw na sa  Games, at sina Justin Thoms, Collin Morikawa, Xander Schauffele at Bryson DeChambeau ay na-qualify.

Factoring in the multiple players representing one country, the rankings went as deep as the 340th ranked player — India’s Anirban Lahiri — to fill the 60 slots.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …