Saturday , November 16 2024

Bayanihan 1, kinilalang best global practice vs Covid-19

PINURI at kinilala ang Bayanihan (1) to Heal As One Act bilang isa sa best practices na ipinatupad sa buong mundo upang labanan ang pandemyang CoVid-19.
 
Sa isang ulat na ipinalabas noong nakaraang buwan ng International Budget Partnership or IBP, pinuri nito ang Filipinas sa pagsisikap na harapin ang pandemyang dulot ng CoVid-19 sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1 partikular ang lingguhang ulat upang masiguro na maipatutupad nang maayos ang mga programa sa CoVid response.
 
Ang IBP ay isang independent watchdog na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo.
Sa report ng IBP, sinabing apat na bansa sa buong mundo kabilang ang Filipinas ang mayroong sapat na level of accountability sa fiscal policy responses. Kabilang sa apat na bansa na kinilala ng IBP ang Australia, Norway at Peru.
Ang Bayanihan 1 To Heal as One Act ay naisabatas sa ilalim ng panunungkulan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa kauna-unahan at makasayasayang hybrid session ng Kamara na dinaluhan ng mga kongresista sa loob ng plenary session at ng mayorya miyembro na nakilahok via Zoom. Ito ang kauna-unahang economic recovery plan na ginawa ng administrasyong Duterte upang labanan ang delubyong dulot ng CoVid-19.
 
Binigyang kapangyarihan ng Bayanihan 1 ang pamahalaan na mag-reallocate, mag-realign, at mag-reprogram ng P275 bilyong pondo mula sa pambanang budget bilang tugon sa CoVid-19.
 
Sa ilalim ng Bayanihan 1, naglaan din ng pondo para sa testing kits, medical supplies at pagtatayo ng quarantine facilities at isolation centers para sa mga CoVid-19 patients.
 
Kasama ng Bayanihan 2 To Recover as One Act. Ang Bayanihan 1 ang nagsilbing armas ng gobyerno upang tugunan at labanan ang pandemyang dulot ng CoVid-19.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *