ARESTADO ng mga awtoridad ang magkapatid na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga pati na ang asawa ng isa sa kanila sa buy bust operation na ikinasa sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal, nitong Martes ng gabi, 1 Hunyo.
Sa ulat kay P/Lt. Col. Christopher Dela Peña, kinilala ang mga nadakip na magkapatid na sina Ferdinand Bonoso at Wifredo Bonoso, at asawa niyang si Elizabeth Bonoso, kapwa mga nasa hustong gulang at hinihinalang mga drug pusher.
Unang naaresto si Ferdinand dakong 11:20 pm sa Cacho St., samantalang nadampot ang mag-asawang Wifredo at Elizabeth dakong 11:30 pm sa Libis Dike 2, pawang sa Brgy. Balite, sa nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon nina P/Cpl. Danny Tupaz at P/SSgt. Andrew Brioso Guerrero, nasamsam mula sa naunang nadakip na suspek ang .33 gramo ng hinihinalang shabu at .50 gramo mula kina Wifredo at Elizabeth na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P5,500.
Nabatid na nakuha kay Ferdinand ang pitong transparent plastic sachet habang 11 ang nasamsam sa mag-asawa at ginamit na buy bust money.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …