Saturday , November 16 2024

Ex-solon Andaya nakaligtas sa ambush

NAKALIGTAS si dating Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya sa tangkang pamamaslang sa Brgy. Palestina, Bayan ng Pili, sa lalawigan ng Camarines Sur, nitong Martes ng umaga, 1 Hunyo.
 
Ayon sa tagapagsalita ng PRO-5 PNP na si P/Maj. Malu Calubaquib, sakay si Andaya ng Toyota Land Cruiser nang paulanan ng bala ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa nabanggit na lugar.
 
Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng kalibre .45 baril.
 
Nabatid na hindi tinamaan ng bala si Andaya at ang kanyang mga kasamahan sa insidente ng pamamaril.
 
Samantala, agad nag-utos si P/BGen. Jonnel Estomo ng imbestigasyon ukol sa pananambang.
 
“Tayo po ang nag-deploy ng karagdagan pulis sa lugar upang alisin ang pangamba ng mga kababayan na naroon. Makaaasa po kayo na kami ay makipagtutulungan sa mga witnesses at mga local government official ng Camarines Sur upang mapabilis ang pagtukoy at pagresolba sa insidenteng ito,” pahayag ni Estomo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *