Wednesday , December 25 2024

Scalawag na parak hulihin (Hamon kay PNP chief. Gen. Guillermo Eleazar)

SA MAIGTING na kampanyang ‘internal cleansing’ sa hanay ng pulisya, hinamon ng ilang sektor si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar na hulihin, asuntohin, tanggalin sa serbisyo at ihoyo ang isang pulis na kilala sa tawag na ‘Bebet.’

Naniniwala ang grupo ng public sector crusaders sa hanay ng pulisya, kung magagawa ito sa nabanggit na scalawag, ang ipinagmamalaking ‘internal cleansing’ ng butihing heneral ay iiwan niyang ‘legacy’ bilang hepe ng pambansang pulisya.

Ayon sa mga crusader, si alyas Bebet, ay mahigit isang dekada nang namamayagpag sa koleksiyon mula sa ilegal na pasugalan, prostitu­syon, at sindikato ng ipinagbabawal na gamot.

Madalas umanong ipinagmamalaki ng nasabing ‘scalawag’ ang mga district director ng Southern Police District, Northern Police District, Eastern Police District, Central Police District at kahit ang tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ngayong si Gen. Eleazar na ang top cop ng bansa, muli umanong nag-iikot si alyas Bebet sa mga ilegalista at sinabing siya ang sagradong bata ng opisyal — bagay na dapat patunayan ng PNP chief na hindi ito totoo at seryoso ang kanyang kampanya para lipulin ang mga abusadong pulis sa buong bansa.

Anang mga crusader, kung tutuusin ay mada­ling ipahanap ni Eleazar si alyas Bebet dahil lahat halos ng pulis ay kilala ang anila’y kaangasan, kayabangan, at pagiging ilegalista nito.

“Isinusuka na siya sa Southern Police District (SPD) kasi anay siya sa kapulisan,” pahayag ng isa sa mga crusader.

Ang lagi umanong asta ni alyas Bebet ay siya ang kolektor ni ‘general ganito’ at ‘general ganoon’ kaya kahit mga junior at senior officers sa buong Metro Manila police force ay walang magawa kundi hayaan sa kanyang ilegal na gawain.

Sa pinakahuling ulat, ginagamit na pangalan ni alyas Bebet ang bagong upong si SPD director, BGen. Jimili Lopez Macaraeg, gayondin si Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, hepe ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG).

Sinabing ang koleksiyon ni layas Bebet kada linggo ay aabot na P1.5 milyon para sa SPD at P2 milyon para sa CIDG. Nagtataka ang mga crusader kung bakit hinahayaan nina Macaraeg at Ferro ang kalokohan ni alyas Bebet.

Hamon nila, “para maging malinaw ang lahat, panahon na para arestohin at ipasok sa hoyo si alyas Bebet.”

Si alyas Bebet umano ang dahilan kung bakit muling nagsulputan ang illegal gambling hindi lamang sa buong Metro Manila kundi hanggang Region 3 at Region 4-A.

Anila, “walang pinatawad si scalawag Bebet dahil ultimo illegal terminal ng UV express at tricycle sa Pasay at Las Piñas ay kinokotongan din niya.”

At maging sa nama­mayagpag na prostitusyon, mula sa club at ispakol, ay patong din si alyas Bebet.

Anila, “pati big time tulak sa Pasay at Paraña­que ay may proteksiyon si Bebet, pero sanay din siyang magbangketa at manghulidap sa mga suspected drug pushers.

Ang mga nakokom­pis­ka umanong ilegal na droga sa ‘mala-akyat bahay style’ na pang­huhuli ay ibinebenta rin sa mga alagang street pusher sa Makati, Muntinlupa, Alabang, at Las Piñas.

“Huwag na kayong magtaka kung kakaiba ang kanyang lifestyle, mataas na masyado ang standard niya dahil apat ang asawa ngayon na itinira niya sa iba’t ibang condo, binibigyan ng mamahaling gamit at may kani-kanilang sasakyan.

Dagdag ng crusaders, “kung talagang desidido si Gen. Eleazar na ipaa­resto si Bebet, kahit sinong ‘counter-intelligence’ group sa buong Metro Manila police force o maging ang ISAFP ay may hawak na ‘profile’ laban sa itinuturing na hari ng scalawags sa hanay ng mga alagad ng batas.”

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *