ARESTADO ang isang lalaking wanted sa carnapping matapos ang halos 10 taong pagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila.
Taong 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47 anyos.
Ayon kay P/Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala ang lalaki sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod.
Palipat-lipat din umano ang suspek para hindi mahuli hanggang makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na umuwi ang suspek sa Sampaloc.
Inabutan siya malapit sa PNR station sa España Boulevard.
Hindi nagbigay ng pahayag ang inaresto at inaalam pa kung may sinasamahan siyang grupo sa pagnanakaw ng sasakyan.
Haharapin ng suspek ang kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …