Pamamahagi ng 2021 ECQ ayuda tapos na sa Maynila
NAIPAMAHAGI na ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa 380,820 benepisaryo ang tig-P4,000 ECQ cash assistance mula sa national government.
Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Lungsod ng Maynila ang kauna-unahang LGU na nakatapos ng distribusyon ng ayuda sa buong National Capital Region.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, hangad ng lokal na pamahalaan na agad maibigay ang nasabing ayuda sa mga Manilenyo upang matugunan ang kanilang araw-araw na gastusin.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng food boxes sa ilalim ng CoVid-19 Food Security Program ng lungsod.
Umabot sa 230,000 pamilya ang nakatanggap ng food subsidy para sa ikaapat na buwan ng pag-arangkada ng programa.