NANATILING sarado sa publiko ang Baseco beach sa Maynila.
Ayon kay P/Lt. Philip Fontecha, Police Community Precinct 13 commander, bawal pang maligo ang mga residente kahit summer na.
Hangga’t wala aniyang utos si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mananatiling bawal ang paliligo sa Baseco beach.
Gayonman, sinabi ni Fontecha, pinapayagan naman ng kanilang hanay ang mga residente na mag-jogging o walking sa baybaying dagat sa umaga at hapon.
May mga pagkakataon aniya na may mga batang hindi maiwasan na maglublob sa dagat dahil sa mainit na panahon.
May ilang residente umano ang nahuli dahil naligo sa Baseco beach na dinala sa presinto at pinapangaralan.
Hindi aniya kinakasohan at pinapakawalan din.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …