Saturday , November 16 2024
gun shot

Binatilyo binoga sa mata patay sa ikatlong kalabit ng gatilyo (Sablay sa dalawang ‘klik’)

ARESTADO ang 19-anyos suspek nang barilin sa kaliwang mata na ikinamatay ng isang 15-anyos binatilyo sa lungsod ng Pasig, nitong nakalipas na Miyerkoles, 5 Mayo.

Sa ulat, kinilala ang nadakip na si Anwar Pascan Piang, alyas Negro, 19 anyos, sa kanyang pinagtataguan sa night market sa lungsod ng Pasay sa follow-up operations na ikinasa ng Pasig police.

Nabatid na noong Miyerkoles, ilang beses inutusan ni Piang ang biktima para bumili sa tindahan ng kung ano-ano hanggang mapagod kapalit ng barya.

Sa huli ay inutusan ng suspek ang binatilyo na bumili ng softdrink ngunit sa sobrang pagod ay nakiusap na magpapahinga na siya.

Dito umano nagalit ang suspek at bumunot ng baril, nagyabang sa harap ng kasamahan at tinutok sa kaliwang mata ng binatilyo saka dalawang ulit kinalabit ngunit hindi pumutok.

Sa ikatlong kalabit, pumutok ang baril at tumama ang bala sa kaliwang mata ng biktimang kinilalang si Richard Misa, 15 anyos, Grade 7 student.

Tumakas ang suspek at nagtago sa night market sa lungsod ng Pasay ngunit naaresto ni P/SSgt. Joselito Sedeno ng Pasig PNP sa follow-up operation. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *