BUMAGSAK nang walang buhay sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang hinihinalang tulak habang nakompiska ang P102-milyong halaga ng droga, nitong hatinggabi ng Miyerkoles, 28 Abril, sa Highway 2000, bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.
Ayon kay P/BGen. Remus Medina, direktor ng PDEG, kinilala sa alyas na Alvin ang isa sa mga napaslang na suspek, samantala tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamang nakasuot ng itim na kamiseta.
Nabatid na dakong 12:00 am kahapon, nagkasundo ang pulis na umaktong buyer ng shabu dala ang P1,000,000 cash at saka nakipagkita sa mga suspek sa Highway 2000 Ext., sa nabanggit na bayan.
Nang maiabot pera, agad tumakas ang mga suspek gamit ang kotse.
Ilang saglit pa at narinig putukan sa nasabing lugar.
Nagkaroon ng ilang minutong habulan at palitan ng putok sa madilim na bahagi ng lugar kung saan napatay ang mga suspek.
Nakuha ng mga awtoridad sa dalawang suspek ang 15 kilo ng pinaniniwalaang droga na nagkakahalaga ng P102,000,000, at isang kotseng gamit sa kanilang ilegal na modus.
Ayon kay P/BGen. Medina, miyembro ng sindikatong sangkot sa bentahan ng shabu ang dalawa at konektado kay Michael Lucas na nasakote sa Cavite kamakailan lamang.
Bukod dito, idinagdag ng opisyal, isang Chinese national na nakabase sa Hong Kong ang nagbibigay ng hudyat sa malakihang deal ng droga na sangkot ang mga suspek. (EDWIN MORENO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …