Saturday , November 16 2024
gun shot

Truck driver binoga sa halagang P.1-M

PATAY ang isang truck driver nang malapitang pagbabarilin sa Paco, Maynila.
 
Kinilala ang biktima sa pangalang Elbert Silva, sinabing tinapatan ng P100,000 ng mastermind para ipapatay.
 
Batay sa CCTV footage, nakita si Silva na naglalakad kasama ang dalawa katao papasok ng trabaho nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa likod nito at pinaputukan ang biktima sa ulo.
 
Nakahandusay na ang biktima ngunit muli itong binaril ng suspek sa ulo.
 
Kinilala ang suspek na isang Nestor Perez, nakita sa CCTV na nanakbo bitbit ang isang bag na may lamang baril papunta sa kasama nitong naka-motorsiklo.
 
Nagtangka si Perez na tumakas gamit ang isa pang motor ngunit nahabol at kinuyog ng mga residente sa Paco, Maynila.
 
Agad nahuli ng mga awtoridad si Perez at napag-alamang mula sa Tanauan, Batangas.
 
Inamin umano ni Perez na nagtungo siya sa Maynila para patayin si Silva dahil sa pangangailangan sa pera.
 
Dagdag ni Perez, ginawa umano niya ito dahil inalok siya ng kanyang kasamang si Alfredo Curita ng P100,000 para patayin si Silva.
 
Samantala, nag-alok naman ng pabuya si Manila Mayor Isko Moreno ng P200,000 sa makapagtuturo ng kinaroroonan ni Curita.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *