ISANG vintage bomb, pinaniwalaang ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang nahukay sa Bgy. Chanarian, bayan ng Basco, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles, 1 Abril.
Nabatid na nag-o-operate si Joey Hornedo ng backhoe sa lugar nang madiskubre niya ang bomba na may habang kalahating metro at may diametrong 12 pulgada.
Ayon sa mga awtoridad, kung sasabog ang bomba, aabot ang pinsala nito sa 500 metrong radius.
Hindi pa malinaw kung ang nahukay na lumang bomba ay ginamit ng mga mananakop na Hapon o ng puwersa ng mga Amerikano sa mga huling taon ng WWII.
Ligtas na nakuha ang bomba mula sa lugar at ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga lokal na awtoriad.