INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Police District (MPD) na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila.
Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemyang dulot ng CoVid-19.
Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila, ititigil nila ang operasyon sa pangambang maiugnay sa makakaliwang grupo.
Ayon kay Mayor Isko, maaaring magbukas ulit ang Pandacan community pantry at suportado ito ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Mayor Isko, maaaring bumisita sa city hall ang mga organizer ng community pantry kung makararanas ng problema.
Nakaka-proud aniya ang mga taga-Maynila dahil lumalaganap sa lungsod ang pagmamalasakit sa kapwa.