AABOT sa 500,000 doses ng Sinovac vaccines na karagdagang binili ng gobyerno ng Filipinas ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon sakay ng komersyal flight ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 359 mula sa Beijing, China.
Sasalubungin ng ilang opisyal ng gobyerno ang pagdating ng mga bakuna na pangungunahan nina vaccine czar Carlito Galvez, Jr., Secretary Vince Dizon, Senator Christopher “Bong” Go, at iba pa.
Ang 500,000 doses ng mga bakunang Sinovac ay pangatlong batch ng mga bakuna na binili ng gobyerno mula China.
Umabot sa 2 mmilyong doses ng Sinovac vaccine ang dumating sa bansa na kabilang sa 25 milyong doses na bakuna na binili ng national government.
Agad ipinoproseso ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang release ng 500,000 Sinovac vaccine na ang consignee ay Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA).