NAPATAY sa palo ng yantok ang isang 20-buwang gulang na sanggol ng kaniyang sariling ina dahil sa hindi pagtigil ng iyak sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Taguig City Police Chief P/ Col. Celso Rodriguez ang suspek na si Christine May Dabuit, 18, ng Blk-129 Lot-16, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan Taguig City na nahaharap sa kasong Parricide sa Taguig Prosecutor’s Office, kaslaukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
S ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) director P/BGen. Eliseo Cruz ng Sub-Station 7, nangyari ang insidente dakong 12:30 pm nitong 20 Abril, sa bahay ng mag-ina.
Sa imbestigasyon, magkatabing natutulog ang mag-ina nang umiyak umano ang anak.
Tuloy-tuloy umano ang iyak ng baby at hindi umano mapatahan kaya pinagpapalo ng yantok hanggang nahirapang huminga ang sanggol at isinugod sa Barangay Health Center sa Upper Bicutan.
Pinayohan ang ina na dalhin sa Taguig-Pateros District Hospital na isinakay ng ambulansiya pero idineklarang patay ni Dr. Leila Bondoc.
Paliwanag ng suspek sa imbestigador, pinalo niya ng yantok para tumahimik.
Kinakitaan ng mga pasa ang katawan ng sanggol.
Ikinuwento ng isang Monique Mata, 30 ayons, make-up artist, inampon niya ang biktima noong 2-buwang gulang pero nang magkaroon ng pandemya ibinalik niya ito sa ina.
(JAJA GARCIA)