NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril.
Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Parañaque City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine.
Layunin nitong palakasin ang vaccination sa lungsod bilang proteksiyon ng frontliners at senior citizens laban sa CoVid- 19.
Ayon kay Dra. Vertucio, nasa 25,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa gobyerno ang ginagamit ng lungsod para sa 2nd dose na bakuna sa senior citizens, frontliners at may comorbidities kahapon.
Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ngayon ang huling araw para sa 2nd dose ng Sinovac vaccine mula sa donasyon ng national government at inaasahan ang pagdating ng kanilang biniling bakuna ngayong susunod na buwan.