NASUNOG ang isang single-storey crematorium facility sa Manila North Cemetery, Martes ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection na umabot sa unang alarma ang sunog.
Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment.
Patuloy na iniimbestigahan ang nangyari.
Pag-aari ng Manila city government ang crematorium facility.