LABING-DALAWANG tao ang binawian ng buhay, na kinanibilangan ng pitong bata, nang mahulog ang sinasakyan nilang sport utility vehicle (SUV) sa isang irrigation canal sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo ng gabi, 18 Abril.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Remedios Basilio, Judilyn Talawec Dumayon, Jeslyn Dumayon, Shadarn Dumayon, Wadeng Lope, at mga batang sina Damulat Lope, Marlo Pereña, Ezver Paycao, Scarlet Paycao, Sidewyn Agtulao, Edith Perez, at Cyrel Agtulao.
Samantala, ginagamot ang sugatan nilang kasamahan, kinilalang sina Jezebel Basilio at Soy Agtulao sa Kalinga Provincial Hospital at kapwa nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa mga imbestigador, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang mahulog sa kanal ng irigasyon sa Brgy. Bulo dakong 6:13 pm kamakalawa.
Nabatid, sa 12 namatay, 11 ang pumanaw dahil sa pagkalunod.