Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ciara ipinagtanggol si Maine — You are not defined by your past mistakes

MATINDI talaga ang breeding ng TV host-actress na si Maine Mendoza. Matindi rin naman ang suporta ng fans nIya.

Inilabas uli ng fans n’ya ang mga tweet n’ya noong hindi pa siya sumisikat bilang ang “Dub Mash Girl” na sa tingin ng fans niya ay “racist” at “homophobic” (meaning “takot” o “galit” sa mga bading).

Pinuna ‘yon ng fans para kusa niyang maisip na mag-apologize tungkol sa mga ‘yon. At ginawa nga ‘yon ni Maine noong April 16 sa Twitter account n’ya.

Mensahe ng ex-screen love teammate ni Alden Richards,  ”Hi tweeps! I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago. Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then. 

“It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry.”

Kung gaya rin ng ilang showbiz idols si Maine na kulang sa edukasyon at breeding, baka nagtatalak na lang siya nang pabastos. Marami nang pagkakataon noong sikat na siya na nilait siya ng ilang netizens tungkol sa kung ano-ano lang.

May isang pagkakataon pa nga na may nanapok sa kanya noong may  Sugod Barangay pa ang Eat Bulaga at kasama siya sa segment na ‘yon. Hindi siya nagtatalak tungkol doon. Wala ring masamang salita na nanggaling sa sino mang miyembro ng pamilya n’ya.

The Kapuso star began tweeting in 2009, ilang taon muna bago siya ipakilala sa Eat Bulaga bilang ‘Yaya Dub’ na ini-love team kay Alden noong 2015.

Maine said she learned her lessons and vowed to be more careful with what she says, be it in person or on social media.

“Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words — and how it would affect the people around me. Hope you hear me out this time. Praying for everyone’s safety and sanity in these trying times,” she wrote.

Meanwhile, many of her fans acknowledged her courage, and stood by her, saying, ”everybody goes to that phase.”

Inalo naman si Maine ng kaibigan nyang si Ciara Sotto na dating host din sa Eat Bulaga ng Kapuso Network. 

Tweet ni Ciara kay Maine: ”You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love you!!!”

Saad pa ni Ciara na hindi naman porke’t artista ay hindi na maaaring magkamali. Aniya: ”All of us have made mistakes in the past that we regret, especially when we were younger… Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes… we are human just like you. STOP THE HATE. BE KIND… TO OTHERS… and TO YOURSELVES.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …