AYON mismo kay Agriculture Secretary William Dar, ang pagkakasangkot niya sa sinasabing bilyong pisong ‘tongpats’ na makukuha sa bumuhos na imported pork products at pagpapababa sa taripa nito gamit ang African swine fever.
“As regards to the alleged ‘tongpats’ of about P5 to P7 per kilo of imported pork, the present DA leadership categorically denies any involvement if such scheme indeed exists,” sabi ni Secretary Dar.
“As far as the MAV (minimum access volume) allocation is concern, strict implementation and guidelines are in place to ensure a transparent and non-discretionary systematic procedure,” paliwanag ni Secretary Dar.
Ang MAV ay ang limitasyon ng dami ng pork products na maaaring iangkat sa bansa. Maraming local hog raisers ang madedehado rito dahil kapag bumaha ang suplay ay bababa ang presyo.
Nitong nakaraang buwan, ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson ang impormasyong may sindikato sa loob ng Department of Agriculture (DA) na madaling makakuha ng bilyong pisong tongpats dahil sa pagpapababa ng taripa at pagpapataas ng MAV allocation sa pork imports.
Ayon kay Lacson, nasa P5-P7 kada kilo ang maaaring kitain ng mga mapagsamantalang indibidwal.
Nagpapasalamat naman si Secretary Dar, sa malaking tiwala sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, “steady ang suporta ni PRRD sa akin.”